Isang beses tinanong ko ang LOLA ko,
kung kelan ba talaga pwede magTANAN? ang mag Boyfriend at Girlfriend.
Ang sagot ng Lola ko, Sira ulo kang bata ka
kabata-bata mo pa makikipagtanan kana,
akala mo ba maganda ang buhay ng may asawa
Sa una lang yon masarap at masaya
pero pag tumagal na at wala na kayong makaen
at nagkaanak na kayo, magsisimula na kayong
mag-away na mag-asawa, isipin mong bata ka
kung ano ang papasukin mo, pinag-aaral
ka ng MAGULANG mo tapos magtatanan
ka lang , pag nagtanan ka hindi mo mararanasan
bumuli ng mga bagay na gusto, galing sa
pera na pinagtrabahuhan mo, kase nga
isusubo mo na lang ibibigay mo pa sa PAMILYA mo,
Hindi mo man lang pinapangarap na magkaron ng
sariling bahay at sasakyan, at yung ikaw na ang nag-uutos
at hindi ikaw yung inutusan. Kaya mag-isip kang BATA KA!
Nagulat ako kase, ang tinanong ko lang naman kung kelan pwede mag TANAN ang mag boyfriend at girlfriend.
Ngayon ko lang napatunayan na ang Lola ko ay kamag-anak pala ni GOOGLE isa lang yung tinanong ko, pero ang daming SAGOT :D

nice one
TumugonBurahin